217
dead
Feb 9, 2018 @ 19:06
By

Bar doorman, binistay ng gunman sa harap ng misis

Dalawampu’t limang bala ng di-pa malamang kalibre ng baril ang ibinaon ng gunman sa katawan ng bar doorman habang nag-aabang ng tricycle kasama ang misis sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na nakilalang si Ronald Latoza Rivas, 49-anyos, bar doorman at residente ng Narra St., Brgy. Payatas, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Ronnie Ereno ng CIDU, ang pamamaril ay naganap dakong alas-6:25 nitong Huwebes ng gabi sa Phase 3, Blk. 7, Lupang Pangako, Brgy. Payatas ng nasabing lungsod.

Nag-aabang umano ng tricycle ang biktima kasama ang live-in partner na si Rowena Magallanes nang sumulpot sa kanilang harapan ang suspek, at pinagbabaril si Rivas.

Dahil sa takot naman ng misis na madamay ay mabilis itong nagtatakbo habang pinagbabaril ang kanyang mister.

Nang masigurong patay na ang biktima ay naglakad lamang papatakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Masusi namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen upang makilala ang gunman na tila galit na galit umano sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?