628

Sep 14, 2021 @ 17:37
By

Baon sa utang kay Jinkee? Claudine nagsalita na!

Nagsalita na si Claudine Barretto sa tsismis na baon siya sa utang kay Jinkee Pacquiao.

Sa social media, nag-live si Claudine at nilinaw ang tungkol sa tsismis.

Alam na raw niya kung sino ang nasa likod nito pero tumanggi siyang sabihin kung sino.

Kaya naman sumingit ang kanyang ateng si Gretchen at sinabing, “Bakit hindi mo pa aminin babe kung sino. You can just tell the truth” pero mas pinili ni Claudine na manahimik.

Ani Claudine, kumare niya si Jinkee at baon daw siya rito sa utang na loob pero hindi financially.

“Lately may mga lumalabas na baon-baon daw ako sa utang kay Jinkee Pacquiao at saka mayroon kaming business or transaction o trabaho na pinasukan na hindi nag-prosper parang ganyan and baon-baon ako sa utang.

“Alam n’yo po una kasi hindi mo naman talaga papansinin kapag ganyan ‘di ba kaya lang minsan kapag hindi mamatay-matay ‘yung tsismis nakaka-bother na rin,” sey ng aktres.

“Kaklaruhin ko ngayon pa lang. Wala po akong kahit na anong utang kahit kanino, kahit kay Jinkee Pacquiao na kumare ko. Alam namin kung saan nanggagaling. Hindi ho ako baon sa utang, baon ako sa utang na loob, na mas pa kesa sa pera. Kung mayroon akong utang sa kanila, utang na loob ‘yun sobra… kasi never nila pinabayaan ‘yung mga anak ko,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?