15

Sep 12, 2021 @ 16:06
By

Banyagang expire ang visa ‘di muna paaalisin

Hindi muna palalayasin ng Bureau of Immigration (BI) ang mga banyaga sa Pilipinas na expired na ang temporary visitor’s visa dahil pa rin sa COVID pandemic.

“Pursuant to various resolutions from the IATF directing the public to exercise social distancing and minimize travel, and in the interest of public safety and welfare, we will be implementing this order as a form of regulatory relief for foreigners,” wika ni BI Commissioner ngayong Linggo.

Ang mga banyaga na sakop ng direktiba ng BI ay ‘yung mga tapos na ang 24-buwan na maximum stay para sa mga visa-required nationals at ‘yung mga tapos na ang 36-month maximum stay para sa mga non-visa required nationals noong Marso 1, 2020.

Sakop din nito ang mga banyagang may temporary visitor’s visa na nag-overstay sa Pilipinas mula pa noong Marso 1 kahit ano pa ang nakasaad sa kanilang maximum period.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?