3

Nov 6, 2020 @ 10:33

Bantay Siony: Signal No. 1 sa hilagang parte ng Cagayan, Apayao, Ilocos Norte

Riley Cea

Tumawid na ang Severe Tropical Storm Siony sa Misanga Island sa Itbayat, Batanes alas-7:50 ngayong umaga.

Ayon pa sa 8 a.m. bulletin ng Pagasa, Nobyembre 6, huling namataan ang bagyo alas-siyete ng umaga sa 30 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na hanggang 95 kph at pagbugsong hanggang 115 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Batanes at Babuyan Islands. Dapat asahan doon ang lakas ng hangin na mula 62 kilometers per hour hanggang 120 kph sa loob ng 24 oras.

Samantala, TCWS No. 1 naman sa:

– hilagang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)

– hilagang bahagi ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan)

– hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)

Posibleng makaranas ang mga nabanggit na lugar ng hangin na mula 30 hanggang 60 kph o pahintu-hintong pag-ulan parehong sa loob ng 36 oras.

Sabi pa ng Pagasa, inaasahang aalis si Siony sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?