32

Oct 31, 2020 @ 8:59
By

Bantay Rolly: Signal No. 2 tinaas sa Bicol, 30 lugar sinailalim sa Signal No. 1

Nanatili ang lakas ng pinangangambahang maging supertyphoon na bagyong Rolly habang papalapit ito sa rehiyon ng Bicol bago ito mag-landfall sa Aurora-Quezon.

Ayon sa severe weather bulletin ng Pagasa nitong Sabado ng umaga, magsisimula nang makaranas ng malalakas na pag-ulan Sabado ng gabi sa Bicol, Calabarzon, Central Luzon, Marinduque, ibang parte ng Occidental at Oriental Mindoro, saka Metro Manila.

Ang naturang bagyo ay may lakas ng hangin na nasa 215 kilometer per hour, at may pagbugso na aabot sa 265 kph.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ilang parte ng Bicol:
  • Catanduanes
  • Silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Presentacion, San Jose, Goa, Buhi, Sagnay, Tigaon, Ocampo, Iriga City, Baao, Nabua, Bato, Balatan, Bula, Pili, Calabanga, Naga City, Bombon, Magarao, Canaman, Gainza, Milaor, Camaligan, Minalabac),
  • Albay
  • Sorsogon

Samantala, nilagay naman sa TCWS No. 1 ang mga sumusunod na lugar.

  • Camarines Norte
  • iba pang parte ng Camarines Sur
  • Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
  • Quezon kasama ang Polillo Islands
  • Rizal
  • Laguna
  • Cavite
  • Batangas
  • Marinduque
  • Romblon
  • Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
  • Oriental Mindoro
  • Metro Manila
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Bataan
  • Zambales
  • Tarlac
  • Nueva Ecija
  • Aurora
  • Pangasinan
  • Benguet
  • Ifugao
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Timog na bahagi ng Isabela (Aurora, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, San Mariano, Palanan, Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones, Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Angadanan, Alicia, Cauayan City, Cabatuan, San Mateo)
  • Northern Samar
  • Hilagang bahagi ng Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, Matuguinao)
  • Hilagang bahagi ng Eastern Samar (Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
  • Hilagang bahagi ng Biliran (Kawayan, Maripipi)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?