53

Oct 26, 2020 @ 9:21
By

Bantay Quinta: Signal No. 3 tinaas sa 3 lugar

Napanatili ng Bagyong Quinta ang lakas nito at ngayo’y nasa paligid na ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon pa sa 8 a.m. weather bulletin ng PAGASA ngayong Lunes, Oktubre 26, makikitang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa:

· timog na bahagi ng Batangas (Lian, Tuy, San Juan, Rosario, Padre Garcia, Lipa City, Cuenca, San Jose, Ibaan, Taysan, Lobo, Batangas City, Mabini, Tingloy, San Pascual, Bauan, Alitagtag, San Luis, Taal, Santa Teresita, Calatagan, Balayan, Calaca, Lemery, Agoncillo, San Nicolas, Mataas Na Kahoy)

· hilaga at gitnang mga bahagi ng Oriental Mindoro (Mansalay, Roxas, Bongabong, Bansud, Gloria, Pinamalayan, Pola, Socorro, Victoria, Naujan, Calapan City, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)

· hilaga at gitnang mga bahagi ng Occidental Mindoro (San Jose, Rizal, Calintaan, Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) kabilang ang Lubang Island

Signal No. 2 naman sa:

· Metro Manila

· Quezon

· Rizal

· Laguna

· natitirang bahagi ng Batangas

· Cavite

· timog na bahagi ng Bulacan (Norzagaray, Angat, San Rafael, Baliuag, Pulilan, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Malolos City, Plaridel, Bustos, San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Guiguinto, Balagtas, Bulacan, Bocaue, Meycauayan City, Obando, Marilao)

· timog na bahagi ng Pampanga (Lubao, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Minalin, Apalit)

· Bataan

· Marinduque

· hilagang bahagi ng Romblon (Concepcion, Banton, Corcuera, Romblon, San Agustin, Calatrava, San Andres, Odiongan, Santa Maria)

· natitirang bahagi ng Oriental Mindoro

· natitirang bahagi ng Occidental Mindoro

· Calamian Islands

· extreme northern portion ng Antique (Caluya)

Nakataas naman ang TCWS No. 1 sa:

· Camarines Norte

· kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Calabanga, Naga City, Pili, Bula, Balatan, Minalabac, Milaor, Bombon, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, San Fernando, Pasacao, Pamplona, Cabusao, Libmanan, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego)

· Burias Island

· natitirang bahagi ng Romblon

· hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay) kabilang ang Cuyo Islands

· timog na bahagi ng Aurora (Dingalan, San Luis)

· timog na bahagi ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Palayan City, General Tinio, Cabanatuan City, Aliaga, Zaragoza, Jaen, San Antonio, Santa Rosa, Peñaranda, Gapan City, San Leonardo, San Isidro, Cabiao)

· timog na bahagi ng Tarlac (La Paz, Tarlac City, San Jose, Concepcion, Capas, Bamban)

· natitirang bahagi ng Bulacan

· natitirang bahagi ng Pampanga

· gitna at timog na mga bahagi ng Zambales (Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Antonio, San Marcelino, Castillejos, Subic, Olongapo City)

· Aklan

· natitirang bahagi ng hilagang bahagi ng Antique (Laua-An, Barbaza, Tibiao, Culasi, Sebaste, Pandan, Libertad)

Ayon pa sa bulletin ng PAGASA, as of 7 a.m. ay namataan si Quinta sa paligid ng Mamburao, Occidental Mindoro na may lakas ng hangin na 125 kilometers per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 180 kph.

Gumagalaw ito sa bilis na 25 kph.

Inaasahang lalabas ang nasabing bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?