77

Oct 25, 2020 @ 9:56
By

Bantay Quinta: Signal No. 2 tinaas sa 12 lugar

Bahagyang tumindi ang Tropical Storm Quinta habang papalapit ito sa Catanduanes-Albay-Sorsogon area ngayong Linggo.

Ayon sa 8 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ngayong Oktubre 25, makikitang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa:

1. Catanduanes

2. Camarines Norte

3. Camarines Sur

4. Albay

5. Sorsogon

6. hilagang bahagi ng Masbate (Milagros, Masbate City, Mobo, Baleno, Aroroy, Mandaon, Uson) kabilang ang Burias at Ticao Islands

7. gitna at timog na mga bahagi ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Dolores, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Perez, Alabat, Calauag, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Plaridel, Gumaca, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Macalelon, Catanauan, General Luna, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco)

8. silangang bahagi ng Batangas (Padre Garcia, Rosario, Ibaan, Batangas City, Lobo, Taysan, San Juan)

9. Marinduque

10. Romblon

11. Oriental Mindoro

12. Northern Samar

Nakataas naman ang TCWS Signal No. 1 sa:

1. natitirang bahagi ng Masbate

2. natitirang bahagi ng Quezon

3. Laguna

4. Rizal

5. natitirang bahagi ng Batangas

6. Cavite

7. Metro Manila

8. Bulacan

9. Pampanga

10. Bataan

11. timog na bahagi ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, San Antonio, Olongapo City, Botolan, Cabangan)

12. Occidental Mindoro

13. Calamian Islands

14. hilagang bahagi ng Samar (Calbayog City, Matuguinao, Tagapul-An, Santo Nino, Almagro, Santa Margarita, Gandara, San Jose de Buan, Pagsanghan, Tarangnan, San Jorge, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas)

15. hilagang bahagi ng Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras, Dolores, Can-Avid, Taft)

16. hilagang bahagi ng Capiz (Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panay)

17. Aklan

18. hilagang bahagi ng Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi)

Ayon pa sa bulletin ng PAGASA, as of 7 a.m. ay namataan si Quinta sa 265 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes na may lakas ng hangin na 75 kilometers per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Inaasahang lalabas ang nasabing bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?