60

Oct 20, 2020 @ 18:32
By

Bantay Pepito: Signal No. 2 tinaas sa 13 lugar

Patuloy ang paglakas ng Tropical Storm Pepito habang papalapit itong mag-landfall sa Aurora base sa weather bulletin ng Pagasa.

Sa ngayon ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signa No. 2 sa mga lugar ng:

La Union
Pangasinan
Ifugao
Benguet
Nueva Vizcaya
Quirino
Nueva Ecija
Tarlac
Aurora
Timog bahagi ng Isabela (Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Echague, San Agustin, Jones, Santiago City, Cordon)
Timog bahagi ng Ilocos Sur (Sugpon, Alilem, Tagudin)
Hilagang bahagi ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Botolan, Cabangan)
Hilagang bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands

Bukod pa dito, nakataas din ang Signal No. 1 sa mga lugar ng:

Abra
Kalinga
Mountain Province
Bulacan
Pampanga
Bataan
Metro Manila
Rizal
natitirang bahagi ng Hilagang Quezon (Infanta, Real)
natitirang bahagi ng Ilocos Sur
natitirang bahagi ng Isabela
natitirang bahagi ng Zambales

Sa bulletin ng Pagasa nitong alas-5 ng hapon, may lakas ng hangin na 75 kilometer per hour (kph) ang naturang bagyo, at may pagbugso na umaabot sa 90 kph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?