35

Jun 18, 2022 @ 10:47
By

Bantay Bayan member tigok sa labas ng barangay hall

Nasawi ang isang miyembro ng Bantay Bayan nang pagbabarilin sa labas ng barangay hall sa Mexico, Pampanga nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rico Gualva, 49-anyos.

Ayon sa Mexico Police, nilapitan ng dalawang suspek si Gualva na nakatayo sa labas ng barangay hall ng Brgy. Lagundi at saka pinagbabaril.

Ipinahayag ng pulisya na sangkot ang biktima sa pagpatay at illegal na droga.

“Meron naman po siyang mga nakaaway, tapos yung victim natin ay may murder case dati. Meron siyang napatay … tapos dating drug surrenderee po yung namatay din,” saad ni Mexico MPS chief Pol. Lt. Col. Grace Naparato.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?