7

Feb 21, 2021 @ 9:42
By

Bantay ‘Auring’: Signal No. 2 tinaas sa ilang lugar

Ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang nasa ilalim ngayon ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 dahil sa Bagyong Auring.

Ayon sa severe weather bulletin #14 ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong alas-otso ng umaga, Linggo, tinaas ang Signal No. 2 sa:

– gitna at timog na mga bahagi ng Eastern Samar (Sulat, Taft, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan)
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte, kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands

Posibleng makaranas ang mga nabanggit na lugar ng hangin na mula 62 hanggang 120 kilometers per hour sa loob ng 24 oras.

Samantala, sabi pa ng PAGASA, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
– Albay
– Catanduanes
– silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan)
– Northern Samar
– natitirang bahagi ng Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Cebu
– Bohol
– Siquijor
– Negros Oriental
– hilaga at gitnang mga bahagi ng Negros Occidental (Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto)
– silangang bahagi ng Iloilo (San Rafael, Barotac Viejo, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles)
– silangang bahagi ng Capiz (Roxas City, Panitan, Ma-Ayon, Cuartero, Dumarao, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar)
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Davao Oriental
– Davao de Oro
– Davao del Norte
– Davao City
– Camiguin
– Misamis Oriental
– Bukidnon

Posible namang makaranas itong mga naturang lugar ng hangin na mula 30 hanggang 60 kph o pahintu-hintong pag-ulan parehong sa loob ng 36 oras.

Samantala, ang naturang tropical storm ay huling namataan noong alas-siyete ng umaga sa 370 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Kumikilos si Auring pa-kanluran hilagang-kanluran taglay ang lakas ng hangin na hanggang 65 kph at pagbugso na hanggang 80 kph, batay pa sa PAGASA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?