98

By

Bantang pagpatay tinawanan lang nina Janine, Andrea

Sharing is caring!

Speaking of Victor Magtanggol ay si Janine Gutierrez ang katambal ni Alden Richards. Hindi pa man umeere ay balita ko na may nagba-bash na sa anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Noon pa man ay handa na si Janine sa mga ganito at dedma lang siya at trabaho nga lang naman ito. Hindi naman nakakatulong ‘yang mga basher na ‘yan at nang-uurat lang ang mga ‘yan.

Kaloka lang pero tignan ninyo at panonoorin din ng mga ‘yan ang Magtanggol at mag-aabang ng kung ano ibabala nila para lang may mga post sila. I am sure inggit lang mga ‘yan at may magandang project ang Pambansang Bae.

Ganun din si Andrea Torres na part din ng Victor Magtanggol. Expected na niya ang mga basher. Kung magpapaapekto nga naman sila ay hindi na sila makakapagtrabaho. Buti kung ang mga basher na ito ang magpapalamon sa kanila.

Kaya tama lang na trabaho lang at malaking bagay na mapasama sila sa isang malaking project.

Kaya tama lang ‘yan na tawanan niyo lang ang mga death threat ng mga duwag na basher na yan, na nagtatago sa social media. Hanggang tweet at social media lang naman sila.

Kasalukyang nasa ibang bansa sina Alden at Janine dahil kinukunan doon ang ilang mga eksena para sa Victor Magtanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?