260

By

Bantang pagpapa-aresto kay Sereno, sinopla ni Lagman

Sharing is caring!

Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na walang legal na basehan ang banta ng House Committee on Justice na isyuhan ng warrant of arrest si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling hindi ito humarap sa pagdinig sa Kamara.

Ayon kay Lagman, walang matibay na batayan at walang silbi ang pag-aresto dahil wala namang legal purpose ang pagpipilit na lumutang si Sereno sa pagdinig ng impeachment case nito.

“The projected issuance of a warrant of arrest against the Chief Justice has no legal anchorage. It is an empty and useless threat bordering on coercion and arbitrariness,” pahayag ni Lagman.

Sabi ng kongresista, sinagot naman na lahat ni Sereno ang mga alegasyon laban sa kanya bukod pa sa pagpapadala nito ng mga abogado para katawanin siya sa hearing. Pearl Serrano

Binigyang-diin ni Lagman na nasa complainant na si Atty. Larry Gadon ang responsibilidad para patunayan ang mga paratang nito sa punong mahistrado.

“It is for the complainant Gadon to prove the allegations in his complaint, and not for the respondent Chief Justice to disprove the same considering that Gadon has not even proved anything and his chargers are utterly unfounded and based on hearsay,” giit ni Lagman.

Una rito, sinabi ni House justice committee chairman Reynaldo Umali na pwede silang mag-isyu ng arrest order laban kay Sereno sakaling magpalabas sila ng subpoena at hindi ito sundin ng Chief Justice. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?