606
Bantang giyera ni Misuari, hindi ikinatuwa ng mga senador
By

Bantang giyera ni Misuari, hindi ikinatuwa ng mga senador

Pawang negatibo ang reaksiyon ng ilang senador sa pagbabanta ng giyera sa Mindanao ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sakaling hindi matuloy ang pederalismo sa bansa.

“I wonder if there’s a law against threatening the government. Pangalawa, does he even know what kind of federalism he wants? Why are we going to jump into something because a citizen of a country says he wants this or that? Hindi ganun kadali ‘yun e. Pinag-aaralan ‘yun e,” ani Senate President Tito Sotto.

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang sinuman ang dapat pahintulutan na pagbantaan ang Republika kung hindi nasunod ang gusto nito ng gobyerno.

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson, na dapat hindi ilayo ang paningin kay Misuari o sa monitoring ng Armed Forces of the Philippines lalo na’t papalapit ang transition ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsiwalat sa naging meeting nila ni Misuari noong Martes kung saan sinabi umano ng huli na kung hindi ibibigay ang pederalismo ay magpapasimula ito ng giyera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?