25

By

Banta sa mga kandidato aalamin ng PNP

Sharing is caring!

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang lahat ng mga hepe ng pulisya na kausapin ang lahat ng mga lokal na kandidato bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa eleksyon.

Sinabi ni Albayalde kailangan nilang malaman kung may banta sa mga kandidato para makagawa sila ng kaukulang hakbang.

Kaugnay ito sa mga kaso ng pagpatay sa mga lokal na opisyal.

Paliwanag ni PNP spokesman, Chief Supt. Benigno Durana Jr., kailangan malaman kung kailangan ng security details ng mga kandidato.

“Our Chief PNP initiated this move because he wants to level the playing field in terms of the security of all the candidates under threat. Our mandate is for clean, honest and violence-free elections. Securing candidates is part of it,” sabi ni Durana.

Samantala, sinabi ni Durana na naging maayos at mapayapa ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato.

Ngunit sinabi rin ni Durana na inaasahan nila na titindi ang tensyon kapag panahon na ng kampanya at ang mismong araw ng eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?