215

Feb 21, 2020 @ 10:58
By

Banta ni Duterte sa ABS-CBN, ‘wag seryosohin – Panelo

Hindi umano literal ang mga sinasabing ipapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi dapat seryosohin ang naging pahayag ng Pangulo kontra Kapamilya network, na matatandaang babakuran umano nito ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil hindi pinalabas ang kanyang campaign ads noong 2016.

“The President made utterances against ABS-CBN. He made certain statements like ‘I’ll shut down (ABS-CBN)’. But hindi naman literal ‘yun eh. He wants to shut down the fraudulent practices of your network,” ayon kay Panelo sa pahayag sa ABS-CBN News Channel.

Sa ngayon ay hindi pa dinidinig ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso kahit mapapaso na ang prangkisa nito sa March 30, 2020, na siniguro naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na pwede pa rin mag-operate hanggang pagtatapos ng 18th Congress sa 2022.

Ngunit nagsampa naman ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida kontra sa prangkisa ng ABS-CBN, at humiling pa ng gag order para hindi makapagsalita ang network ukol sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?