92

Nov 18, 2020 @ 12:00
By

Banta ni Duterte na budget cut sa UP pinalagan ni Kiko

Tinutulan ni Senador Francis Pangilinan ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapyasin nito ang pondo ng University of the Philippines sa gitna ng panawagan ng mga estudyante para sa academic strike bilang protesta laban sa disaster response ng gobyerno.

“No, that would be legally infirm,” pahayag ni Pangilinan sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

“Sa akin kasi, you threaten you…but in the end why are the students protesting? Let’s go back to that. This is not unique to the Philippines, worldwide you see student protests,” dagdag pa nito.

Sa speech ni Duterte noong Martes ng gabi, hinamon nito ang mga estudyante na huwag nang pumasok sa kanilang klase at batikusin na lang ang gobyerno sa kanilang kawalan ng aksiyon sa panahon ng kalamidad at pandemya.

“’Yung mga eskwelahan, UP? Fine. Maghinto kayo ng aral, I will stop the funding,” pahayag ni Duterte sa kanyang televised address.

“Walang ginawa kung hindi mag-recruit ng mga komunista diyan tapos nag-aaral kayo. Gusto niyo binibira ang gobyerno. Masyado naman kaswerte kayo. Wag talaga kayong manakot rather, kasi i will oblige you,” dagdag pa nito.

Nauna nang nagsagawa ang Ateneo de Manila University ng academic strike online noong nagdaang linggo.

Sabi ng mga estudyante, plano nilang tumigil sa pagsumite ng school requirements simula Nobyembre 18 hangga’t hindi dinidinig ng gobyerno ang hiling ng tao para sa calamity aid at pandemic response

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?