sung-kim2
By

Banta ng terorismo sa Mindanao, nananatili – US ambassador

Sharing is caring!

Mahalaga umanong magtulungan ang Pilipinas at Amerika para makapaghanda dahil may banta pa rin ng paghahasik ng terorismo sa Mindanao.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim, na batay ito sa impormasyon ng military ng Pilipinas at ng kanilang bansa.

“Both our experts including those in the military and their Filipino counterparts believe that the threat continues to exist. And we must continue to be vigilant and we must continue to work together including through sharing of intelligence and information to counter the threat that continues to persist down south,” ayon sa ambassador.

Tiniyak naman na ginagawang lahat ng US government ang maitutulong sa paghahanda sa terorismo gaya ng nangyari sa Marawi City.

Binigyang-diin naman na maigting ang kooperasyon ng military ng Pilipinas at Amerika.

Bilang katibayan, gaganapin sa Mayo 7-18 ang ika-34 na Balikatan Exercises ng US at Philippine military kung saan magkakaroon ng pagsasanay sa pagharap sa potensiyal na mga banta.

Tuloy naman umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pambansang puisya dahil nagkaroon sila ng pulong kamakailan ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?