65

Dec 7, 2017 @ 16:31
By

Banta ng foreign, local terrorists tututukan ng AFP

Mas pagtutuunan ng pansin ni Armed Forces of the Philippines Chief of staff General Rey Leonardo Guerrero ang atensiyon sa pagpapatupad ng mga plano at programa na makakatulong para labanan ang banta ng foreign and local terrorists at ang Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Kasunod ito ng pormal ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na buwang ekstensiyon ng termino ni General Guerrero sa AFP.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo na maliban sa pagtutok sa banta ng terorista ay may pagkakataon pa ang Chief of Staff sa pagpapa-angat ng kakayahan o kapabilidad ng militar ngayong naaprobahan na ang kanyang pagseserbisyo sa AFP.

“This extension of the AFP Chief’s military service will allow him more time to implement important plans and programs of the AFP especially in this challenging time that the nation faces threats from foreign and local terrorists and the CPP-NPA-NDF,” sinabi ni Arevalo.

Si Guerrero ay nakatakda sanang magretiro sa December 17, 2017 para sa mandatory retirement age na 56 years old.

Pero dahil pinalawig ng pangulo ang kanyang termino ng anim na buwan ay magsisilbi pa si Guerrero nang hanggang April 24, 2018 batay na rin sa umiiral na Republic Act No. 8186. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?