10

By

Banko Perlas kuminang kay Bright

Sharing is caring!

IPINARAMDAM ng Banko Perlas ang kanilang lakas sa simula ng round robin quarterfinals ng 2018 Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference matapos walisin sa tatlong sets ang Tacloban 25-22, 25-20, 25-18 kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Lumiwanag nang bahagya ang asam ng Fighting Warays na makasampa sa semifinals matapos silang akbayan ni American import Kia Bright na tumikada ng 19 points kasama ang 17 attack, 16 digs at walong excellent receptions.

Nag-ambag din sina Thai reinforcements Jutarat Montripila at local Nicole Tiamzon ng 13 at 10 markers ayon sa pagkakasunod para sa BanKo Perlas na binawian ang katunggali.

Luhod ang Perlas Spikers sa Tacloban nang magharap sila sa preliminary round.

Kumana si Thai reinforcement Hyapha Amporn ng 12 puntos habang si Jovielyn Prado ay nagtala ng siyam para sa Fighting Warays.

Anim na teams ang naglalaban sa quarters kung saan ang top two ay sasampa sa semifinals para makalaban ang Creamline at PayMaya. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?