344

Dec 6, 2017 @ 14:06
By

Banknotes na may enhanced design, inilabas ng BSP

Ipinakalat sa sirkulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang mga bagong banknotes na may “enhanced design”.

Pero paglilinaw ng BSP, wala silang binago sa New Generation Currency maliban sa pinatingkad na disenyo para mabigyang-pansin ang kasaysayan at likas na yaman ng Pilipinas.

Disyembre 5 nang unang ilabas ng BSP ang banknotes sa denomination ng 200 peso bills kung saan naka-highlight ang Declaration of Philippine Independence at Malolos Congress.

Sa 500 pesos bills naman ay makikita ang katagang “Leyte landing October 1944” na pumalit sa lumang 500 pesos bill na may nakalagay lamang na “Leyte landing”.

Nilinaw naman ng BSP na mananatiling “legal tender” ang mga salapi na hindi binago ang disenyo.

Inaasahan na maglalabas din ng mga bagong pera kung saan nakalagay naman ang pirma ng bagong Bangko Sentral Governor na si Nestor Espenilla, Jr. na nagsimulang manungkulan noong Hulyo.

Inalis din ang imahe ng Order of Lakandula Medal at ang katagang “MEDAL OF HONOR” sa P20; P50; P100; P200 at P1,000.

Mapapansin din ang pagbabago sa format ng mga scientific names at sa font size o laki ng letra ng “year mark”. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?