1,138

By

Bank employee ginahasa, sinunog sa Pasig

Sharing is caring!

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pasig Police kaugnay sa natagpuang bangkay ng isang 22-anyos na babae na matapos gahasain ay sinunog pa at itinago sa loob ng impounding area ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City kamakalawa.

Batay sa report na nakalap mula kay P/Sr. Insp. Roberto Garcia, hepe ng Investigation Division ng Pasig-PNP, nakilala ang biktima na si Mabel Cama y Tagala, bank employee at residente ng Ortigas Ave. Ext., Barangay Rosario, Pasig City.

Natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-12:20 ng tanghali ng Linggo na sunog ang katawan at posibleng ginahasa pa at inabandona sa loob ng Mega Bus Line Impounding Area ng MMDA compound.

Nauna rito, nagtungo sa himpilan ng Pasig Police ang ama ng biktima na si Reynaldo Cama y Talento, 53-anyos, auto electrician ng Mega Bus Line at ini-report na nawawala ang kanyang anak mula noong Biyernes pa nang umalis ito ng bahay.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Pasig Police na nasa likod lang ng compound area nakatira ang biktima at malaki ang posibilidad na palagi itong nakikita na dumadaan at binabantayan na ang oras ng pag-uwi nito.

Ang naturang compound ang nagsisilbi umanong garahe para sa ilang MMDA accredited towing services at ilang kompanya ng bus.

Ayon kay PS/Insp. Garcia, mayroon na silang sinusundang lead at posibleng isa sa mga trabahador na nasa loob ng impounding area ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?