54

Jan 30, 2020 @ 20:56
By

Bangungot ng EAC pinahaba ni Verzosa

Nagpasabog si Dolly Grace Verzosa ng 16 points sa likod ng 12 spike at 3 service ace para dugtungan pa ng Rizal Lady Bombers ang pighati ng Aguinaldo Lady Generals, 25-22, 25-17, 25-19, sa NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament first round elimination Huwebes ng hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Bakas kay verzosa sina Sydney Mae Niegos at Mary May Ruiz matapos ng tig-10 markers habang toka sa floor defense si Angel Rose Bautista na naka-12 excellent digs para protektahan ang lapag ng Mandaluyong-based school na kinubra ang ikalawang panalo sa anim na laro.

Samantalang walang bisa ang tig-10 puntos na ginatilyo sa Gen. Luna-based squad nina Dhariane Andreane Gallardez at Jan Carl Lauren Cabrera na pagkangudngod ng EAC sa 0-5.

“Sabi ko sa kids hungrier yung EAC [Lady Generals] na manalo. So kung iisipin nila na ibibigay lang ng EAC sa amin yung panalo, nagkakamali sila. Kailangan naming kunin [yung panalo] kung gusto namin talagang manalo. Im sure pinaghandaan nilang [EAC] mabuti yung game,” ani Verzosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?