84

By

‘Bangungot’ na dulot sa ekonomiya ng federalism, bubungkalin ng Senado

Sharing is caring!

Pag-aaralan ng Senado ang umano’y masamang idudulot sa ekonomiya ng pagsasalin ng sistema ng gobyerno tungong pederalismo.

Bunsod ito ng sinabi ng ilang miyembro ng gabinete na mauuwi sa “fiscal nightmare” para sa gobyerno at ekonomiya ang pedalismo dahil sa bilyon-bilyong pisong kailangan para rito at maaari rin itong makagulo sa mga negosyante.

“The shift to federalism will radically alter the structure of national and local governments. Altering the structure of government will definitely create uncertainties in economy and doing business. This will have an adverse effective on the short and medium term economic growth of our country,” ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs.

Kaugnay nito, inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution No. 823 na humihingi ng pagdinig ng Senado rito.

Tinukoy sa resolusyon na mismong si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang nagbabala ukol sa negatibong idudulot ng federalism.

Tinukoy din ni Gatchalian ang babala ng mga ekonomista at mga academicians na magugulo ang paggastos ng gobyerno kapag binago ang sistema ng pamahalaan.

Matatandaan na sa isang budget briefing sa Senado nitong Martes, sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez na maaaring mauwi sa fiscal nightmare kapag sinunod ang mga rekomendasyon sa draft federal constitution ng Consultative Committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinakamababa na umano ang P120 bilyon na kakailanganin sa federalism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?