137

By

Bangsamoro Organic Law, aprub na sa Senado

Niratipikahan na ng Senado ang Bangsamoro Organic Law (BOL), dating tinatawag na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Walang tumutol sa Bicameral conference committee (Bicam) report na iniharap ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nanguna sa mga pagdinig ng Senado at nanguna rin sa Senate contingent sa Bicam na humimay sa panukalang BOL o Senate Bill 1717.

Sa ilalim nito, itatatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na itinuturing na katuparan ng peace agreement ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kapag naratipikahan ito ng Kamara ngayon, tiyak na umano itong pipirmahan mamaya ni Pangulong Duterte para maging ganap na batas.

Ayon kay Zubiri, inaasahan na ito ang magbibigay ng “just and lasting peace” sa lupain ng mga Bangsamoro kung saan nagkaroon ng sigalot sa loob ng apat na dekada at naibuwis na umano ang higit 100,000 buhay.

Sasaklawin ng Bangsamoro ARMM ang Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Magdaraos naman ng plebesito para sa pagsaklaw sa anim na bayan ng Lanao del Norte at 39 na barangay ng North Cotabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?