107

Sep 25, 2020 @ 21:33
By

Bangs Garcia parang hindi nagbuntis

Dalawang buwan pa lang matapos manganak si Bangs Garcia, ngunit balik kaagad ang alindog nito.

Sa kanyang Instagram post, pinasilip ni Bangs ang kanyang postpartum body suot ang two piece bikini kung saan makikitang flat na ang tiyan nito.

Sey ni Bangs, nakatulong sa kanya ang pagiging active kahit noong siya’y nagdadalang-tao pa para mabilis na matunaw ang nadagdag na timbang.

“You don’t necessarily need to go to the gym, you only need to stay active throughout your pregnancy even if it’s just walking in the woods, gardening or housework, anything that gets your heart pumping most days of the week,” tip ng dating sexy actress.

Nanganak noon si Bangs sa kanyang ikalawang anak na si Isabella noong July.

Kasal siya kay Lloydi Birchmore at nag-migrate na sa UK para doon bumuo ng pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?