24

Jul 22, 2020 @ 16:41
By

Bangs Garcia nanganak na sa kanyang second baby

Nagsilang ng healthy baby girl si Valerie “Bangs” Garcia.

Sa Instagram post, proud na pinakita ni Bangs at mister niyang Filipino-British businessman na si Lloyd Birchmore ang kanilang newborn baby.

Pinangalanan nila itong Isabella, na kasing bigat daw ng kanyang panganay na si Amelia noong ipanganak niya.

“Happy Birthday, Isabella!!! Born on 21st July 2020 at 9:30am weighing 7.8 lbs. (exactly as heavy as her big sister Amelia when she was born) #IsabellaBirchmore,” caption ni Bangs.

Pinanganak si Amelia sa London noong December 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?