310

Oct 23, 2017 @ 15:29

Bangon Marawi tutukan ng gobyerno

Pagkatapos ng giyera, ang pagbangon ng Marawi City ang tututukan naman ng gobyerno para makabalik sa normal na pamumuhay ang mga mamamayang naapektuhan ng giyera.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bagamat inabot ng 154 na araw ang giyera, nagawang mapagtagumpayan ng mga tropa ng pamahalaan ang laban at napatay ang halos isang libong terorista kabilang na ang mga lider nila na sina Isnilon Hapilon, Omar maute at Mahmud Ahmad.

Sinabi ni Abella na ang mabigat na hamon ngayon sa gobyerno ay ang rehabilitasyon, reconstruction at muling pagbuo sa Islamic City na napulbos ng husto dahil sa limang buwang giyera sa Maute terror groups.

Dahil dito, nanawagan ang Malacanang sa sambayanan na magkaisa at suportahan ang pagsulong ng bansa para sa isang mapayapa, masagana at matatag na kinabukasan.

“With the liberation of Marawi, our focus now shifts to the enormous and challenging task of rebuilding, reconstruction and rehabilitation of the Islamic City. The damage to Marawi’s infrastructure and private properties and the displacement of thousands of residents require the government’s unified and comprehensive effort; thus, we call on all our citizens to come together to move our country forward towards a peaceful, prosperous and secure future,” ang pahayag ni Abella.

Kasabay nito ipinaabot din ng Malacanang ang pagpugay sa mga tropang nakipaglaban sa Marawi City, kabilang na ang mga nasawing sudnalo na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa bansa. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?