By

Bangko para sa mga Pinoy abroad, itinakda ni Digong

Sharing is caring!

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang bagong Overseas Filipino Bank (OFB) ay hindi lamang para sa mga OFWs kundi sa lahat ng overseas-based Filipinos.

Ang OFB ay ang dating Philippine Postal Savings Bank na ipinagbili sa Land Bank base sa utos ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

“This is the President’s campaign promise to create a financial institution totally dedicated to catering to the needs of all overseas Filipinos – the Overseas Filipino Bank,” ani Dominguez.

Aniya, ang OFB ay magbibigay-serbisyo sa mga Filipino sa ibang bansa, partikular na sa foreign remittance services.

Nabanggit din nito na ang bagong bangko ay mag-aalok din ng loan program sa mga overseas Filipino na nais nang magbalik sa Pilipinas at magsimula ng sariling negosyo.

Bukod pa dito, napag-usapan din ang pagpapautang para sa pagsasaayos ng bahay, education loan at direct remittances sa mga eskuwelahan ng mga anak ng mga overseas Filipino. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?