3

Feb 23, 2021 @ 17:22

Bangkay ng senior bumulaga sa Cotabato

Isang bangkay ng 60-anyos na babae ang bumulaga sa ilog ng Tulunan sa Cotabato.

Anang batang nakakita sa bangkay, nakababa raw ang pang-ibabang damit ni lola ng makita niya ito.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, Huwebes pa nang mapabalitang ‘missing’ si lola na nakatira umano mag-isa sa isang kubo.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,