51

Aug 6, 2022 @ 8:19
By

Bangkay ng sanggol natagpuang palutang-lutang sa ilog

Natagpuan ang isang bangkay ng sanggol na palutang-lutang sa ilog ng Bacarra, Ilocos Norte nitong Huwebes.

Ipinahayag ni Police Major Arnel Tabaog, hepe ng Bacarra Police, ang mga mangingisda ang nakakita sa bangkay sa ilog sa Brgy. 4.

Ayon sa tantya, halos isang linggo nang patay ang biktima na may mga sugat sa katawan at mayroon pang umbilical cord.

Tinataya ring nasa 7 o 8 buwang gulang ito.

Dagdag pa ng hepe, dinala ang bangkay sa punerarya, pinabendisyonan, at binigyan ng maayos na libing sa public cemetery sa kanilang lugar.

Inaalam na ng awtoridad kung sino ang mga magulang ng biktima at kung sino ang nag-iwan ng sanggol sa ilog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?