115

Jan 28, 2020 @ 13:00
By

Bangkay ng sanggol, dumagan sa bata

Natagpuan ang bangkay ng isang sanggol na lulutang-lutang sa ilog na nasasakupan ng Barangay Buenavista, Santiago City, Isabela, ayon sa Santiago City Police Station (SPS) noong Lunes.

Ayon sa SPS, ang bangkay ng sanggol ay nakita ni Xander (hindi tunay na pangalan), siyam-na-taong gulang na naligo sa ilog ng nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Xander na naliligo at lumalangoy siya kasama ng kanyang mga kaibigan nang mayroong tila mabigat at matigas na bagay na dumagan sa kanyang likuran at nang tignan ay nagulat na lamang nang makitang isang patay na sanggol.

Dito ay kaagad nilang ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng kanilang barangay na nag-ulat sa himpilan ng pulisya .

Naniniwala ang SPS na maaaring itinapon na lamang sa ilog ng walang pusong ina ang nasabing sanggol.

Patuloy ang pagsisiyasat ng SPS upang matukoy ang nagtapon sa nasabing sanggol.

Binigyan ng SPS ng marangal ng libing ang bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?