39

Bangkay ng Pinay na namatay sa lindol sa Taiwan, dumating na ng Pinas

Sharing is caring!

Nasa Pilipinas na ngayong araw ang mga labi ng Pinay na namatay dahil sa malakas na lindol sa Taiwan.

Sakay ang bangkay ni Melody Albano Castro ng China Air flight 701 na lumapag ng alas-9:40 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mananatili umano ang katawan nito sa PAIR-PAGS Center sa NAIA Complex bago dadalhin sa Tuguegarao City sa Cagayan, Huwebes ng umaga, sa ulat ng dzBB.

Namatay si Castro, na nagtatrabaho sa isang nursing home, kasama ang 16 iba pa sa magnitude 6.4 na lindol na tumama sa siyudad ng Hualien noong Pebrero 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?