131
henry
By

Bangkay ng OFW na pinatay sa bugbog sa Slovakia, dumating na sa PH

Nasa bansa na ang mga labi ng Pinoy na si Henry John Acorda, na namatay dahil sa pagtatanggol sa kaibigan niya sa Slovakia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), lumapag ang Airbus A319 ng gobyerno ng Slovakia, na may dala sa bangkay ng 36-anyos na Pinoy, sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-10:00 ngayong umaga.

Sinalubong ito ng mga kapamilya at mga kaibigan ni Acorda na may mga suot na puting T-shirts at may nakasulat na mga salitang “Justice For Henry”.

Kasama rin na sumalubong ang DFA officials na pinangunahan nina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola.

Pinatay sa bugbog si Acorda ng isang Slovak national matapos nitong ipagtanggol ang kaibigan niyang Pinay na hinaras ng banyaga noong Mayo 26.

Si Acorda ay nagtatrabaho bilang financial analyst sa isang multinational company sa nabanggit na bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?