144
Bangkay ng OFW na minaltrato sa Kuwait, balik-bansa na
May 23, 2019 @ 19:30
By

Bangkay ng OFW na minaltrato sa Kuwait, balik-bansa na

Dumating na sa Pilipinas nitong Huwebes ang mga labi ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa Kuwait matapos umanong maltratuhin ng kaniyang employer.

Ayon sa report, lumapag ang mga labi ni Constancia Lago Dayag, 47, tubong Agadanan, Isabela, dakong alas-singko ng hapon.

Sinamahan ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment-Overseas Workers Affairs Administration ang pamilya ni Dayag.

Bumuhos ang luha ng pamilya Dayag nang i-turnover sa kanila ang bangkay ng OFW sa airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?