22
dead-body

Bangkay ng nawawalang empleyado sa sunog sa Davao mall, natagpuan na

Sharing is caring!

Dalawang linggo matapos tupukin ng apoy ang NCCC Mall sa Maa, Davao City, natagpuan na ang mga labi ng nawawalang call center agent nitong Enero 4.

Sinabi ni Inter-agency Anti-Arson Task Force spokesperson Jerry Candido sa isang panayam, na nitong Enero 4 ng alas-siyete ng gabi natagpuan ang bangkay ng empleyado ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isinasagawa nilang search and retrieval operation.

Kinilala ng tagapagsalita ang biktima na si Alexandra Moreno-Castillo, Survey Sampling International (SSI) Quality Assurance supervisor.

Nakita ang katawan nito sa ikaapat na palapag ng mall kung saan din natagpuan ang 36 pang bangkay ng mga biktima.

Hindi agad nakita ang bangkay nito sa kaparehong araw dahil sumabit ito sa bitak ng sahig at natabunan ng mga debris.

Nakuha sa mga labi ni Moreno-Castillo ang key chain, bag at passport nito na kumumpirma sa kanyang pagkakakilanlan.

Kinumpirma rin ng kanyang pamilya nang tingnan ang mga gamit niya.

Dinala na sa Cosmopolitan Funeral Homes ang katawan nito at gusto ng kanyang pamilya na ipa-cremate na lang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?