45

Sep 21, 2021 @ 17:01
By

Bangkay ng nasawing artist wala pang autopsy; pamilya clueless pa rin sa pagkamatay ng bebot

Kasalukuyang pala-isipan pa rin sa pamilya ng artist na si Bree Jonson ang dahilan kung bakit ito nasawi noong Sabado.

Ayon kasi sa ulat, hindi pa nasasailalim sa autopsy ang bangkay ng 30 anyos.

Kaugnay nito, sinabi ni Police Lt. Col. Mangelen ng Police Regional Office 1 sa pamilya ng artist na hindi nila mabibigyan ng tiyak na oras kung kailan nila matutukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

“We hope the family will let us conduct an autopsy,” aniya.

Ayon kay Salome, ina ni Bree, wala ring eksaktong petsa na sinabi sa kanila ang Ilocos Training and Regional Medical Center kung kailan gagawin ang otopsiya sa dalaga.

“Even for us, we’re at a loss. We really don’t know what to believe in anymore,” anang pinsan ni Bree na si Jill Palarca sa isang panayam.

“This would have been better if the right people made a quick decision to expedite the process when there was a decaying body at hand,” dagdag pa niya.

Batay sa report, si Julian Ongpin, anak ng businessman na si Robert Ongpin, ang huling nakasama ng dalaga bago ito matagpuang wala ng buhay sa La Union. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?