35

Dec 21, 2017 @ 15:05
By

Bangkay ng mag-asawang natabunan kay ‘Urduja’, narekober na

Narekober na ang bangkay ng mag-asawang natabunan ng lupa sa Romblon matapos magka-landslide dulot ng bagyong Urduja, matapos ang dalawang araw na retrieval operation.

Kinilala ang mag-asawa na sina Masuline Romero, 58-anyos, at Matilde Romero, 62, residente ng Sitio Parao, Brgy. Mabini, San Fernando, Romblon.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, dahil sa patuloy na search and retrieval operation, narekober kamakalawa ng gabi ang bangkay ng mag-asawa.

Matatandaang noong Disyembre 16, 2017 nang maganap ang pagguho ng lupa sa lugar at natabunan ang bahay ng mag-asawa.

Sa ngayon sinabi pa ni Tolentino, hindi pa rin madaanan ang national road sa Brgy. Mabini papunta ng San Fernando, Romblon dahil sa landslide na dulot din ng bagyo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?