ABANTE dead agent delivery van
By

Bangkay ng lalaki lumutang sa ilog

Sharing is caring!

Kasabay nang pagtaas ng tubig-baha dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan, ay bumulaga sa mga residente na naninirahan sa tabi ng maruming ilog ang isang bangkay ng lalaki sa Barangay Baesa, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Elmer Monzalve, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Gary Sison, 35 –anyos, ng Upper Pajo, Sitio Mendez, ng nasabing barangay.

Sa inisyal na report sa CIDU-QCPD, dakong alas – 5:45 ng umaga nang matagpuan ang palutang-lutang na bangkay ng biktima kasama ng mga basura sa nasabing ilog, at may mga tama ng bala ng di-pa malamang kalibre ng baril sa katawan.

Agad na ipinag-bigay alam ng mga residente sa mga opisyla ng kanilang Barangay ang nakitang bangkay na siya namang nag-report sa pulisya.
Hinala ng pulisya, gabi pa nangyari ang pamamaril sa suspek at posibleng itinapon na lamang sa ilog ang bangkay ng biktima upang itago ang krimen.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing krimen para makilala ang suspek. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?