14

May 18, 2021 @ 18:34

Bangkay ng lalaki, inanod sa Guimaras

Inanod sa dalampasigan ng Barangay East Valencia, Buenavista, Guimaras nitong Lunes ang naaagnas na bangkay ng isang lalaki.

Ayon sa awtoridad, ang lalaki ay may taas na 5’7, may katamtamang laki ng katawan at may suot na black T-shirt at gray short pants.

Ang hinala ng pulisya, nalunod ang lalaki sapagkat walang napansin ang Scene of the Crime Operatives na anumang sugat sa kanyang katawan.

Palaisipan rin sa mga awtoridad kung taga-saan ang lalaki sapagkat wala silang natanggap na ulat tungkol sa nawawalang tao sa lugar.

Sa ngayon ay nananawagan ang Buenavista Police sa sinuman na nawawalan ng kamag-anak na makipag ugnayan sa kanilang tanggapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?