60

Sep 26, 2021 @ 15:41
By

Bangkay ng kelot sumambulat sa sako

Natagpuan ng isang grupo ng mga siklista ang bangkay ng isang lalaking isinilid sa isang sako sa kahabaan ng Quirino highway, Barangay Greater Lagro, Quezon City ngayong Linggo.

Batay sa ulat ng dzBB, iniwan ang bangkay sa isang loteng malapit sa La Mesa Dam.

Saad naman ng Barangay Chairman na si Leo Garra, naalarma ang mga siklista nang makita ang nakausling daliri ng paa sa nakita nilang sako, kaya’t ipinagbigay-alam nila ito sa mga kinauukulan.

Ayon naman sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), maaaring biktima ng summary execution ang lalaki, na brief lang ang suot at nakagapos ang kamay at paa.

Mukhang tinorture rin muna ang lalaki bago ito patayin.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki, na tinatayang nasa 30-anyos at blonde ang buhok. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?