145

Dec 9, 2018 @ 17:29
By

Bangkay ng isang lalaki, palutang-lutang sa Pasig River

Natagpuang palutang-lutang ang katawan ng isang lalaki sa Pasig River, Sabado ng umaga.

Nakatanggap ng report ang pulisya ganap na 11:30 ng umaga na mayroong palutang-lutang na katawan sa naturang ilog sa Barangay Hulo, Mandaluyong.

Ayon sa inspeksiyon ng mga pulis, walang nakitang sugat sa katawan ng biktima kaya’t hinala ni Mandaluyong City Chief Police Moises Villaceran na posibleng nalunod ang lalaki.

Hindi pa nabibigyan ng pagkakakilanlan ang biktima.

Nakipag-ugnayan ang mga pulis sa kalapit na barangay upang malaman ng pamilya ng biktima ang sinapit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?