226

Jun 16, 2021 @ 15:47
By

Bangkay ng GF tinago ng kelot sa sasakyan

Swak sa murder ang isang lalaki matapos makita ng mga pulis ang bangkay ng girlfriend nito sa kanilang binebentang kotse.

Ayon sa WZTV, nadiskubre ang katawan ni Pamela Paz, sa kanyang sasakyan sa parking lot sa Tennessee noong Mayo.

Dito pinaghinalaan ang kanyang boyfriend na si Robert Johnson na umano’y suspek sa pamamaslang kay Pamela.

Nakita sa autopsy report na nasawi si Pamela dahil sa pananakal.

Ayon sa Metropolitan Nashville Police Department, nagbigay ng alibi si Johnson ngunit napag-alaman nilang nagsisinungaling ito.

Nalaman din ng pulisya na binibenta umano ni Johnson ang kotse ni Pamela kung saan doon din nakatago ang bangkay nito.

Dahil dito’y kakasuhan ng homicide ang lalaki, na kasalukuyan ding nakakulong sa iba pang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,