30
pasig-river
By

Bangkay ng dalagita, inanod sa Pasig River

Sharing is caring!

Isang bangkay ng babae na tinatayang nasa edad na siyam hanggang 12-taong gulang, balingkinitan, nakasuot ng puting t-shirt at blue stripe na maong short ang natagpuang palutang-lutang sa bahagi ng Pasig River, nitong Sabado, Setyembre 15, ng umaga.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), natagpuan ang bangkay bandang alas-8 ng umaga sa ilalim ng Javier Bridge, West bank Floodway, Barangay Maybunga, Pasig City.

Ayon sa rescuer na si Sergio Serrano Jr. Alimango, 45-anyos, miyembro ng Pasig City rescue team, nagmo-monitor sila ng Pasig River nang maispatan ang isang bagay na lumulutang sa ilog at nang lapitan ay isang bangkay ng dalagita ang tumambad sa kanila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inanod lamang ang bangkay na posibleng mula ito sa Marikina River at agad na ipinaalam sa Marikina Police kung may kaso sila ng pagkawala ng isang babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?