55

May 23, 2020 @ 15:38
By

Bangkay ng Canadian bumulaga sa yate

Natagpuang patay ang isang Canadian citizen sa loob ng kanyang yate sa Subic, Zambales noong Biyernes.

Ayon sa ulat sa Inquirer, nakita si Warner de Ruiter, 64, ng Barangay Asinan Proper, Subic, ng kanyang kaibigang mangingisda na si Edgar Alburo.

Huling nakitang buhay si De Ruiter alas-9 ng umaga noong Mayo 22.

Batay sa mga pulis, posibleng atake sa puso ang ikinamatay ng dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?