66

Nov 10, 2019 @ 14:52
By

Bangkay ng bebot, kelot, bumulaga sa highway

Dalawang bangkay ng isang babae at lalaki ang natagpuan sa gilid ng highway sa Padre Burgos, Quezon Province, Sabado ng gabi.

Batay sa report ng Padre Burgos police, kapwa may mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang mga hindi pa nakikilalang mga biktima na nakitang magkatabing nakahandusay sa Sitio Guitong, Barangay Sipa alas-11:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigador. posible umanong magkarelasyon ang dalawa na parehong tinatayang nasa edad 30-35 anyos pa lamang.

Natagpuan kasi sa tabi ng mga ito ang isang bag na naglalaman ng magkasamang mga underwear ng lalaki at babae at naglalaman din ng dalawang cellphone na maaring pag-aari ng dalawa.

Nakasuot ng t-shirt at shorts ang lalaki samantalang nakakulay puti at asul na bestida ang babae.

Narekober din sa crime scene ang mga basyo ng 9mm na baril at kalibre .45 ha hinihinalang ginamit sa pagpatay sa mga ito.

Dinala na ang mga bangkay sa Pagbilao funeral homes sa Lucena City habang hinihintay na kilalanin ng kanilang mga kaanak.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?