134
dead
Oct 22, 2017 @ 15:37

Bangkay ng bebot, itinapon sa highway

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang puno ng pasa at duguan ang katawan sa bakanteng lote sa Quirino highway sa Quezon City, kaninang ng madaling araw.

Sa inisyal na report kay Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang natagpuang bangkay ng babae ay nasa edad 20-24, mahaba ang buhok at nakasuot ng sando at short pants.

Batay sa imbestigasyon, ang biktima na puno ng pasa at duguan ang katawan ay natagpuan dakong alas-5:00 ng Linggo ng madaling araw (Oktubre 22) sa bakanteng lote sa Quirino Highway, Brgy. Lagro ng nasabing lungsod. Isang guwardiya ang  nakakita sa bangkay at agad na inireport sa pulisya.

Batay sa pagsisiyasat ng mga nagrespodeng tauhan ng Scene of The Crime Operatives (SOCO) ng QCPD, posibleng pinatay ang babae sa ibang lugar at doon lamang itinapon ng hindi pa nakikilalang salarin.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan at motibo sa pagpaslang sa biktima  habang dinala ang labi nito sa PNP Crime Laboratory para maawtopsiya. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?