47
Mag-asawa minasaker sa Caloocan
By

Bangkay ng basurero, nabingwit sa ilog

Natagpuang may tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang basurero na natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Roldan Pittong ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-10:30 ng umaga (June 9) nang mabingwit ang lumulutang na bangkay ni Romy Arisga, 54-anyos, residente ng Barangay Tatalon, QC, sa San Juan River.

Ayon sa pulisya, nakatanggap umano ng tawag sa telepono ang BPSO ng Barangay Roxas District mula sa isang concerned citizen kaugnay sa palutang-lutang na bangkay ng lalaki sa nasabing ilog.

Ayon sa live-in partner ni Arisga na si Riza Lomberio, nitong June 7, bandang alas-5:30 ng hapon ay may nakakitang pinagsasaksak ng kanilang kapitbahay na si Rey Rios ang kaniyang mister na basurero.

Matapos ay dinala umano ng suspek ang duguang katawan ng biktima at itinapon sa nasabing ilog.

Nabatid na nito lamang nakaraang June 04, bandang alas-11:30 ng umaga, ay unang natagpuan ang nalunod na tatlong taong gulang na anak na palutang-lutang sa nasabing ilog kung saan din mismo natagpuan ang bangkay ng pinaslang niyang ama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?