310
Abante-TnT--Bangkay-ng-babae,-natagpuan-sa-damuhan
Dec 9, 2017 @ 14:12
By

Bangkay ng babae, natagpuan sa damuhan

Isang bangkay ng babaeng nasa edad 20-25 ang natagpuang patay na posibleng ni-rape pa matapos makita ng ilang mga bata na naglalaro malapit sa damuhan kahapon ng tanghali sa Binangonan, Rizal.

Batay sa report, naglalaro ang ilang kabataan sa Bilog St., Sitio Pandayan, Barangay Batingan, Binangonan bandang alas-11:30, Biyernes ng tanghali nang mapansin umano ng isang bata ang nakaumbok na damuhan sa masukal na bahagi ng damuhan kaya siniyasat ito.

Nang makita na bangkay ang nasa damuhan at tinakpan pa ng damo ay agad na ipinaalam sa barangay at ini-report sa pulisya.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng babae na walang saplot sa katawan at basag ang ulo na posibleng hinampas ng matigas saka pinagsamantalahan.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng biktima habang sinisiyasat kung may nakakabit na CCTV camera sa paligid upang malaman kung sino ang huling nakasama ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?