40

By

Bangkay ng Aussie diver nabingwit sa Batangas

Sharing is caring!

TANGHALING tapat kanina nang marekober na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng Nauru national na napa-ulat na nawawala sa karagatang sakop ng Batangas.

Sa ulat, alas-12:15 nang madiskubre ang bangkay ni Andre Killbride sa lalim na 70 metro sa dagat na sakop ng Barangay Bagalangit sa bayan ng Mabini.

Magugunita na nawala si Killbride noong nakaraang Sabado habang sumasailalim sa diving course.

Nabatid na nag-check in sila ng kanyang Irish live in partner sa Aqua Venture Resort sa nabanggit na barangay para sa dive training course.

Anim na taon na sa Pilipinas si Killbride at may negosyo na ito sa Pasig City.

Dinala na ang bangkay sa Funeraria Bautista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?