74

Jun 26, 2020 @ 22:09

Bangkay ng 301 OFW sa Saudi iuuwi sa Hulyo

Nangako si Labor Secretary Silvestro Bello III na maiuuwi na ang mga bangkay ng 301 na overseas Filipino workers na namatay sa Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Labor and Employment, 152 sa mga nasawi ay namatay dahil sa COVID at iba ibang dahilan naman ang ikinamatay iba.

Sabi ng DOLE, naghahanda na itong gawin para maseguro ang kaligtasan ng lahat sa pag-uwi ng mga namatay sa COVID at sa 149 na iba ang ikinamatay. Dalawang chartered flights ang kukunin at hiwalay na iuuwi ang mga namatay sa COVID at hindi.

Sabi ni Bello, kailangang sundin ang mga patakaran sa kalusugan o ang mga protocol ng Saudi Arabia at ng Pilipinas sa pag-uwi ng mga labi. Dadalhin ang mga bangkay na manggagaling sa iba’t ibang lugar sa Saudi Arabia papuntang Riyadh at Jeddah at saka iuuwi sa Pilipinas.

Sabi ng DOLE na sila na ang magtitimbre sa mga pamilya ng nasawi at sa mga local government units para mapayagan ang kanilang pagbiyahe. (Eileen Mencias)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?